Kanina lang ay aming ginawa ang kauna unahang activity sa aking major subject na computer programming. Na kung saan ay kailangan ng matinding logic upang iyong ma-execute ang mga programs.
Ngunit, minaliit ko ang subject na ito at ako ay hindi nag review. (lahat kaming magkakaklase ay hindi nag review). Kaya sa oras ng activity…Hindi man lang ako tumama. Napindot ko na yata lahat ng symbols sa aking keyboard, napuno na ng pawis ang aking mouse, at napagod na ang aking mata kakatingin sa monitor at pinipilit na alamin ang mga mali sa program ko.
30 minutes na lang time na namin… Isa pa lang ang nakakatama sa aming 20 na magkakaklase. 3 ang kailangan para sa perfect score… Lumipas na ang dalawang oras wala pa din akong ideya sa aking kahihinatnan…ito pa lang ang aking naisusulat:
#include<stdio.h>
#include<conio.h>
void main()
{
clrscr(); at kung ano ano pang kalokohan…
Nagsabi na ang aking prof na pwede ng sumuko ang mga hindi na kaya. Ayun si loko, nauna ng sumuko at excited ng mag DOTA. Pero ako? Never akong susuko.. Umaasa na mabigyan ng additional points kapag natira ka sa classroom…
Lumipas na ang 30 minutes…Wala pa akong tama… Sumuko din ako…
Walang bonus na nakuha….5o pa din…
Ngunit kasabay ng aking pagsuko at pagka bigo ay ang pagkatuto sa mga aral kalakip ng pangyayaring ito… Na ang lahat ng bagay ay dapat na pinag bubuti gaano man ito kadali o kahirap. Na ang pagsuko ay hindi nangangahulugan ng iyong kahinaan. Dahil ang pagsuko ay nagbubukas ng mga bagong kaalaman at simula…
Ako ay muling nagising at muling natuto….Salamat sa Computer Programming…
Want to play WordTrotter? The first filipino game in facebook.
Planning to visit Subic Zambales? You need to find your shelter first. Subic Cheap Hotel is the answer.
Want to remove pimples on your face?

tama ang iyong tinuran…walang nakakamit na tagumpay na hindi pinaggugulan ng pawis….
maraming paraan just keep on trying… dont give up!
dont give up!
ang pagsuko ay hindi karuwagan..maaaring indikasyon lng ito na mas marami pang dapat bigyang-pansin bukod sa pagmumukmok sa isang natapong baso ng gatas..ang labo ko na…
bhala na kau jan…
kaya next time,don’t forget to study your lessons.
charge it to experience parekoy.
Aba, at nagising ka! Aw. Review review lang. Actually, magbasa ng magbasa.. kahit hindi exam bukas, maging interesado sa mga bagay bagay. Sa mga simpleng paggawa ng codes kahit wala lang.. Kase magagamit mo yan sa hinaharap.. Patuloy tayong matuto. At wag mag give up.
Walang nasayang! Ayos lang yan..
yo!
well, dont give up, mga pagsubok lamang yan,hehehe remember nalang na kaya nya satin binibigay ung mga bagay na alam nating minsan mahirap kasi alam natin na kaya natin itong lutasin.. kaya dont give up!
dumaan para mangumusta…
update update!
advance merry xmas.
ayos! buti tapos na ako sa programming na yan! pero nasa advance programming na kami which is about html naman!
ayos! may natutnan ka [a!
hello, padaan daan lang, baka sakaling may bago!
ingatz!
You can get the right answer after you get corrected… In the end you already win. It’s not about the grades you failed certainly but what you can do after you learn that lesson.
happy holidays
kaya mo yan..
God bless..
HAppy New year tol
Bagong Taon, Bagong buhay, Bagong karanasan!!!!
Ayan lesson learned. Tamad ka kasi.
Prov 21:25 Ang nasa ng tamad ay pumapatay sa kaniya; sapagka’t tumatanggi ang kaniyang mga kamay sa paggawa.
Paturo ka kaya sa langgam.
Prov 6:6 Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
Nadaan lang po!
Sabi nila,ang tunay na matalino daw ay yung di nagaaral at puro stacknowledge, pero di yun totoo. Di ka magkakar0on ng stackn0wlegde kung di ka nagaral.Kaya, maling iasa mo parati sa photographic mem0ry ang pagkapasa mo sa exams,minsan chambahan lang.
hellloooo, tao po!!
Ay salamat. ok na ulit ang kaspangarigan blog ko.
gising na.
ui! isuku nayan! ahahhaha
..kya mu yan….dont give up…